Sapát ang bigás sa Pilipinas sa kabilâ ng El Niño – Marcos

PHOTO: Stock image of rice grains and stalk STORY: Sapat ang bigas sa Pilipinas sa kabila ng El Niño – Marcos
INQUIRER.net stock image

MANILA, Philippines — Sapat ang nakaimbak na bigas para sa matugunan ang pang araw-araw na pangangaliang ng buong bansa kahit na sa panahong ito ng tag-tuyot dahil El Niño, ayon sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tiniyak ni Marcos Jr. na sapat na suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng tag-tuyot at tag-init.

Tiniyak ni Marcos na maganda ang ani ng bigas, kasama na ang ibang mga pananim ng pagkaiin,  dahil mga makabagong teknoliya sa pagsasaka, kasama na ang irigasyon.

Kabilang na dito ang minamadaling paglalagay ng solar-powered pumps sa mga bulubunduking taniman na walang sistema ng irigasyon.

BASAHIN: Imported, lokal na bigas balak tatakan ng DA

BASAHIN: Presyo ng bigas malabong bumaba dahil sa El Niño

“Marami tayong binigay, dinadala na post-harvest facilities para imbes na ginigiling pa ’yung palay — malayo pa ang dinadalhan, kung saan-saan pa dinadala — dito na gagawin para malaki ang kikitain ng farmer,” sabi ni Marcos.

Inanunsiyo na rin ng National Irrigation Administration (NIA) na nagpadala tio sa mga lalawigan na labis ang epekto ng El Niño ng mga heavy equipment para sa pagsasaayos ng mga dinadaluyan ng tubig patungo sa mga taniman.

Bukod pa dito, sapat din daw ang krudo na maaaring gamitin ng mga magsasaka sa kanilang  diesel-powered water pumps.

Read more...