MANILA, Philippines — Makakamura ang mga konsyumer sa kuryenteng mula sa nuclear energy kayat napapanahon ang gawan ng masusing pag-aaral kung handa na ang Pilipinas para dito, ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito.
Batid naman daw niya na ang pangunahing ikinababahala ng mga Filipino ay ang kaligtasan ng nuclear energy.
Sa kanyang pagtataya, kung higit P11 pataas ang halaga ng per kilowatt hour ng kuryente ngayon — at depende ito sa lugar — higit na P2 per kilowatt hour lang, sa kanyang pagkakaalam, ang halaga ng kuryente mula sa nuclear energy.
BASAHIN: Win: Rotating brownouts posible dahil sa kapos na suplay ng kuryente
BASAHIN: Pangulong Marcos Jr., pinatitiyak ang suplay ng kuryente
Kasabay nito, sinabi din ni Ejercito na sa kanyang palagay ay kailangan nang suriin ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 — o EPIRA — para malaman kung epektibo pa ito sa kasalukuyang panahon.
Dagdag pa ng senador nararapat lamang na alamin kung sapat pa ang batas para sa sapat na suplay at murang halaga ng kuryente.