600 na solo parent nabiyayaán ng livelihood program ng QC

Quezon City Hall
Quezon City Hall —File photo mulá sa Facebook page ng Quezon City

METRO MANILA, Philippines — Aabót sa 600 na solo parents ang nabiyayaán sa  programang pangkabuhayan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng “Tindahan ni Ate Joy” livelihood program.

Nasa P10, 000 na halagá ng grocery items  ang natanggap ng bawat benepisyaryo.

Layunin nitó na magkaroon ng sariling sari-sari store ang mga solo parent na pagkukuhanan ng ikabubuhay ng kanilang mga  pamilya.

BASAHIN: Hindi pagbibigay ng mga benepisyo sa solo parents ibinunyag ni Rep. Erwin Tulfo

Mismong sina Belmonte at Councilor Ellie Juan ang nanguna sa pamamahagî ng  grocery items sa mga benepisyaryo kasama ang mga dating persons deprived of liberty (PDL) at survivors ng violence and abuse na tinulungan ng Quezon City Protection Center (QCPC).

Sa kanyáng talumpatì, binigyáng diín ni Belmonte na batíd ng lokál na pamahalaán ang hirap na dinaranas ng mga solo parent kayá silá ang prayoridád sa mga programa ng Quezon City.

Ito na ang ika-11 batch ng Tindahan ni Ate Joy program na nagsimulâ noón pang 2013 noóng vice mayor pa lamang ng lungsod si Belmonte.

Bukód sa grocery items ay sumasailalim din ang mga benepisyaryo sa mga pagsasanay para sa tamang pamamalakad ng kaniláng negosyo at wastóng pagpapaikót ng kaniláng kita para sa kapakanán ng kani-kaniláng mga pamilya.

Read more...