Magsisilbi na din na Special Envoy of the President to China si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ito ang inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO).
Mananatili naman na Philippine Ambassador to the United Kingdom si Locsin, sabi ni Press Sec. Cheloy Garafil.
Wala pang anunsiyo ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa magiging dagdag na trabaho ni Locsin.
Nagsilbing kalihim ng kagawaran si Locsin noong administrasyong-Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES