Hindi pagbibigay ng mga benepisyo sa solo parents ibinunyag ni Rep. Erwin Tulfo
Pinuna ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo ang maraming paglabag sa Solo Parent Act.
Sa kanyang unang privilege speech bilang mambabatas, ibinahagi ni Tulfo na marami pang mga lokal na pamahalaan ang hindi nagbibigay ng P1,000 sa mga kuwalipikadong solo parent.
Aniya ang dahilan ng mga LGUs ay wala silang mapapaghugutan ng pondo para sa naturang ayuda.
Bukod pa diyan, dagdag pa ni Tulfo, maraming mga negosyo ang hindi nagbibigay ng 10 porsiyentong diskuwento sa mga solo parent.
Gayundin, may mga LGUs na salat sa kaalaman ukol sa mga probisyon ng batas. Hiniling ni Tulfo na muling mabusisi ang batas para sa ganap na pagpapatupad nito at pagsunod ng mga kinauukulang ahensiya at establismento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.