Michael Yang inabswelto ng PDEA sa ilegal na droga

METRO MANILA, Philippines — Inabswelto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Chinese na negosyante at dating presidential economic adviser Michael Yang sa operasyon ng ilegal na droga bansa.

Sa “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte, ini-report ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Wilkins Villanueva na walang katotohanan ang mga parating ng nasibak na pulis na si Eduardo Acierto na konektado si Yang sa operasyon ng ilegal na droga sa Davao City.

BASAHIN: Presidential friend Michael Yang, dumistansiya sa Pharmally

Lumutang ang pagkakasangkot ni Yang sa ilegal na droga matapos sumalang sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee kaugnay sa umanoý pagbili ng pamahalaan ng mga overpriced na medical supplies sa kompanyang Pharmally Pharmaceutical nap ag-aari ng Chinese na negosyante.

Sinabi pa ni Villanueva na walang kredibilidad si Acierto na mag-akusa kay Yang.

Mismong si Duterte rin ang nagsabi na walang kinalaman sa ilegal na droga si Yang.

Read more...