Gordon ikakampanya ni Pangulong Duterte na huwag iboto sa eleksyon

Personal na mangangampanya sa publiko si President Rodrigo Duterte na huwag iboto si Senador Richard Gordon.

Ito ay kung magpapasya si Gordon na tumakbo sa susunod na eleksyon.

Ayon sa Pangulo, unfit si Gordon bilang isang senador ng bansa.

“I would just like also to remind Senator Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this Republic,” pahayag ng Pangulo.

Ikinagagalit ng Pangulo ang lima hanggang pitong oras na imbestigasyon ni Gordon sa umanoý overpriced na pagbili ng pamahalaan medical supplies na ginamit sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

“You are trying… Well, others are trying to be a Chinese when they are not; and ikaw naman, you are trying to be an American na hindi ka naman talaga totoong Amerikano,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, mahigit 100 katao ang palaging pinasa0subpoena ni Gordon tuwing may hearing.

“Every time that there is a committee hearing, you subpoena more than a hundred resource persons and witnesses and then more than half of that number comes from government — comes from the government. Instead of working, they are stuck attending hearings that last for more than five hours. Tama ba ‘yang ginagawa ninyo? I mean, are you crazy? Bakit ganoon? Can you not approximate the time that you would take to make these persons testify, question and answer?” tanong ng Pangulo.

 

Read more...