Presidential friend Michael Yang, dumistansiya sa Pharmally

By Jan Escosio September 10, 2021 - 06:33 PM

Senate PRIB photo

Matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Senado, dumalo na si dating Presidential economic affairs adviser Michael Yang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa pamamagitan ng isang interpreter, itinanggi ni Yang na may kaugnayan siya sa kompaniya na nakakuha ng bilyun-bilyong pisong halaga ng mga kontrata sa Department of Budget and Management (DBM).

Ngunit pag-amin nito, humingi sa kanya ng tulong ang Pharmally at ipinakilala niya ang mga opisyal nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga supplier ng medical supplies.

Giit niya, wala na siyang kinalalaman sa mga naging kontrata ng Pharmally sa gobyerno.

Samantala, sinabi naman ni Linconn Ong, isa sa mga opisyal ng Pharmally, na tinulungan sila ni Yang na makahanap ng ‘sources’ ng medical supplies.

Dagdag pa nito, si Yang din ang naging garantiya nila sa suppliers.

Ayon naman kay Pharmally president and chairman Huang Tzu Yen, hindi na sila nakapag-usap ni Yang simula nang magkakilala sila noong 2017.

TAGS: DBM, InquirerNews, MichaelYang, Pharmally, RadyoInquirerNews, senatehearing, DBM, InquirerNews, MichaelYang, Pharmally, RadyoInquirerNews, senatehearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.