RCBC at Philrem pinakakasuhan na ng DOJ

By Erwin Aguilon April 24, 2017 - 03:07 PM

RCBC
Inquirer file photo

Ipinag-utos na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti Money Laundering ang mga opisyal ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) at remittance service na Philrem Service Corporation.

Ang RCBC at Philrem ay nasasangkot sa naganap na $81 Million bank haist.

Base sa 12-pahinang consolidated review resolution, eight counts ng paglabag sa Republic Act 9160 o Anti Money Laundering Act ang isinampa laban kay Maia Santos-Deguito, manager ng RCBC Jupiter Branch sa Makati.

Nahaharap rin ng kaparehong kaso ang mga bank depositors na kinilala lamang sa mga pangalang: Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.

Apat na ulit na reklamong paglabag sa RA 9160 ang inihain naman sa mga may-ari ng Philrem na sina Salud Bautista, Michael Bautista at Anthony Pelejo.

Napatunayan ng DOJ na nakipagsabwatan si Deguito sa mga depositor na ang tunay na pangalan ay hindi pa mabatid nang aprubahan nito ang pagbubukas ng mga bank account kung saan idineposito ang 81-million dollars mula sa Bangladesh Bank.

Iginiit ng DOJ na hindi maaring gawing depensa ng mga opisyal ng Philrem na wala silang alam sa nangyaring pagnanakaw sa Bangladesh Bank.

Magugunitang February 16 ng nakaraang taon, na-hack ang Bangladesh Bank at ang $81 Million na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.

TAGS: anti money laundering council, Bangladesh, new york reserves, philrem, RCBC, anti money laundering council, Bangladesh, new york reserves, philrem, RCBC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.