Mga pulis na sangkot sa ‘missing sabungeros’ sisilipin ng Napolcom

METRO MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng National Police Commission (Napolcom) ang mga alegasyon na may mga pulis na sangkot sa pagkawala ng higit 100 na sabungero.
Inanunsiyo ni Napolcom Vice Chairman Rafael Calinisan na inatasan na ang kanilang Inspection, Monitoring and Investigation service na magsagawa ng motu propio investigation.
Sinabi na ni Calinisan na agad na matatanggal sa serbisyo ang mga pulis kapag napatunayan na nakipagsabwatan sa grupo na dumukot at diumanoy nagtapon sa mga sabungero sa Taal Lake sa Batangas.
BASAHIN: Senate probe sa ‘missing sabungeros,’ tinapos na ni Sen. dela Rosa
Umapila rin ang opisyal sa isang alyas “Totoy” na nagsabing may mga pulis na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Isinabit din ni alyas Totoy ang isang personalidad sa showbiz at isang guwardiya sa sinasabing utak sa pagkawala ng mga sabungero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.