Tatawid sa 20th Congress ang VP impeach case – Pangilinan, Tulfo

METRO MANILA, Philippines — Naniniwala sina Senators-elect Francis Pangilinan at Erwin Tulfo na maipapagpatuloy sa 20th Congress ang impeachment case in Vice President Sara Duterte.
Ipinaliwanag ni Pangilinan nitong Huwebes na itinuturing na “continuing body” ang Senado kaya maaring ituloy ang paglilitis sa susunod na Kongreso.
Binigyang diin ni Pangilinan na tungkulin nilang litisin at desisyunan ang impeachment case at sumailalim sa proseso habang sinusuri ang mga ebidensyang ipiprisinta ng prosekusyon at depensa.
BASAHIN: Naaalarma na negosyo sa bagal ng Sara Duterte impeach case – Palasyo
Halos ito rin ang paliwanag ni Tulfo at aniya dapat ay ituloy at litisin si Duterte upang malaman na ng sambayanan ang buong katotohanan.
Aniya magdedesisyon siya base sa mga ebidensiya at testimoniya.
Dinagdag ni Tulfo na nakakatiyak siya na maging ang kampo ni Duterte ay nais din mapatuayan sa paglilitis na inosente ito sa mga ibinibintang sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.