Naaalarma na negosyo sa bagal ng Sara Duterte impeach case – Palasyo

By Jan Escosio June 18, 2025 - 03:31 PM

PHOTO: Claire Castro FOR STORY: Naaalarma na negosyo sa bagal ng Sara Duterte impeach case – Palasyo
PCO Undersecretary Claire Castro

METRO MANILA, Philippines — Nakiusap ang Malacañang sa Senado na ikunsidera ang pagkabahala ng mga negosyante sa pagkakaantala ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na nagbabala na ang sektor ng negosyo na makakaapekto sa ekonomiya ang kabiguan na itaguyod ang mga batas.

Aniya maaring makaapekto sa kumpiyansa ng mga banyagang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas.

BASAHIN: Marcos pinuri ni Pimentel sa di pagsali sa VP Duterte impeachment case

“So, nakakaalarma po ito dahil gumaganda po ang ekonomiya ng bansa. Taliwas po ito sa sinabi ng bise presidente na bagsak ang ekonomiya,” sabi ni Castro.

Dinagdag pa niya na posibleng mabalewala ang mga ginagawa ng administrasyong Marcos na mapagbuti ng husto ang ekonomiya ng bansa kung hindi magiging agaran ang mga pagkilos kaugnay sa mga kaso ni Duterte.

TAGS: Sara Duterte impeachment case, Sara Duterte impeachment case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.