SC mag-desisyon sa pagtutol sa pagbalik ng impeachment articles

By Jan Escosio June 12, 2025 - 04:01 PM

PHOTO: Francis Escudero
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines —  Maaaring idulog sa Korte Suprema ang mga argumento ng mga kontra sa pagbabalik sa Kamara ng articles of impeachment na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang pahayag ngayon Huwebes ni Senate President Francis Escudero

Kasunod ito ng pagbatikos ng ilang kongresista sa Senado base sa paniniwalang paglabag sa Saligang Batas ang ginawang hakbang ng Senado bilang impeachment court noong nakaraang Martes, ika-10 ng Hunyo.

“Ang puwede lang magsabi kung constitutional o hindi ang isang bagay na ginawa ng anumang ahensya ay ang Korte Suprema, hindi sila at hindi din kami,” idiniin ni Escudero.

BASAHIN: 18-5 Senate vote dededmahin ng Kamara, impeachment trial tuloy

Kaugnay sa resolusyon na ipinasa ng Kamara na nagsabing hindi kikilos ang mga kongresista sa naging hakbang ng Senado, sinabi ni Escudero na igagalang niya ito, sabay hirit na dapat ay sumunod na lamang ang Kamara sa Senado bilang impeachment court.

Nilinaw din ng senador na wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon.

Inulit din ni Escudero na bilang tagapamuno ng impeachment court hindi niya pakikinggan ang mga nanggigil na masimulan na ang impeachment trial gayundin ang mga nais na huwag nang ituloy ang paglilitis kay Duterte.

“Gagawin namin ang tama na hindi magpapatulak, hindi magpapalit kanino man,” idiniin niya.

TAGS: Francis Escudero, Sara Duterte impeachment, Francis Escudero, Sara Duterte impeachment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.