18-5 Senate vote dededmahin ng Kamara, impeachment trial tuloy
METRO MANILA, Philippines — Walang mali sa pagpapabalik ng Senado sa Kamara ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi dating Solicitor General Florin Hilbay at aniya ang naging hakbang ng Senado bilang impeachment court ay ayon sa proseso ng impeachment.
Aniya ang nais lang naman ng Senado ay suriin muli ng Kamara ang articles of impeachment upang malinawan na hindi ito paglabag sa “one year ban” sa pagsasampa ng impeachment case sa isang opisyal.
BASAHIN: Marcos hindi sasali sa debate ng Sara Duterte impeachment trial
Dagdag pa ni Hilbay kailangan lamang din sagutin ng Kamara, bilang nagrereklamo, kung ito ay interesado pang ipagpatuloy ang paglilitis kay Duterte.
Aminado ito na ang naging pagboto na 18-5 ng senator-judges ay maaring tingnan na pahiwatig na rin na pulitika ang bumabalot sa kagustuhan na mapatalsik sa pwesto si Duterte.
Sinabi pa ni Hilbay na kung hindi tatanggapin ng Kamara ang ibinalik na articles of impeachment, walang magagawa ang Senado kundi ituloy ang paglilitis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.