Dalawang passport ni Harry Roque iimbestigahan ng DOJ

METRO MANILA, Philippines — Magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa dalawang pasaporte ni dating presidential spokesman Harry Roque.
Ito ang inanunsyo nitong Martes ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagpahayag ng labis na pagkadismaya sa dalawang pasaporte ni Roque.
Ayon kay Remulla, kung opisyal pa ng gobyerno si Roque ay puwede na dalawa ang pasaporte nito.
BASAHIN: Dadaan sa ‘diplomatic channels’ pag-aresto kay Harry Roque – DOJ
“Di bale sana kung opisyal pa rin sya, meron siyang diplomatic tapos meron siyang regular passport,” sabi ni Remulla.
Sinabi pa ng kalihim na hihingiin nila ang kooperasyon ng Department of Foreign Affairs sa isasagawa nilang imbestigasyon ukol sa mga pasaporte ni Roque.
Noong nakaraang linggo, ipinakansela ng DOJ ang pasaporte ni Roque nang maglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Angeles City dahil sa kasong qualified human trafficking.
May nakabinbin na petisyon na mabigyan ng political asylum si Roque sa gobyerno ng The Netherlands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.