Dadaan sa ‘diplomatic channels’ pag-aresto kay Harry Roque – DOJ

By Jan Escosio May 16, 2025 - 03:03 PM

PHOTO: Harry Roque FOR STORY:
Si Harry Roque, noong nagsisilbí pa siyáng presidential spokesperson. —File photo mulá sa Malacañang

METRO MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Department of Justice (DOJ) na gagawa ng mag paraan ang gobyerno upang maaresto si dating presidential spokesman Harry Roque.

Sinabi ni Justice Assistantn Secretary Jose Dominic Clavano IV na idadaan nila sa “diplomatic channels” ang pag-aresto kay Roque.

Walang piyansa ang kinahaharap ni Roque na kasong qualified human trafficking.

BASAHIN: Harry Roque hinamon ng Malacañang na umuwi na

Sa ngayon ay nasa Netherlands si Roque at may nakabinbin itong hiling na mabigyan ng political asylum doon.

Sinabi pa ni Clavano na kabilang sa kanilang opsyon para maaresto si Roque ay ang magpatulong sa International Criminal Police Organization o Interpol.

Isang korte sa Angeles City ang nagpalabas na ng utos upang arestuhin si Roque gayundin sina dating Technology Resource Center Director Gen. Dennis Cunanan at Cassandra Li Ong

TAGS: Harry Roque, Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.