Alyansa bets kinuwestiyon timing ng impeachment rap vs Marcos

METRO MANILA, Philippines — Kadudaduda ang pagtatangka na masampahan ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito nagkakaisang pahayag ng tatlong kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, dating Senate President Vicente Sotto III, at dating Sen. Panfilo Lacson.
Sinabi ni Sotto na kakapusin ng panahon na matalakay ang reklamo sa Kongreso dahil magbabalik-sesyon sa Hunyo 2 at magsasara na ang 19th Congress sa Hunyo 13.
BASAHIN: Bagong istratehiya pinaplano ng Alyansa para manalo 12 kandidato
Duda ni Sotto konektado sa eleksyon sa Lunes, ika-12 ng Mayo, ang tangkang paghahain ng impeachment complaint.
Para kay Sotto, wala siyang nakitang basehan ng dapat na reklamo dahil nakasaad sa Saligang Batas ang “impeachable offenses” na maaaring isampa laban sa “impeachable officials.”
“I’m not defending the president, pero ’yung the act itself na mag-file ng impeachment complaint ng walang basehan kita mo kung ano ’yung motive. Siyempre, pulitika,” ani Lacson.
Kinikilala naman ni Tulfo ang karapatan sa pagsasampa ng impeachment complaint, ngunit magsasayang lang ng panahon kung wala naman “form and substance” ang impeachment complaint.
Kahapon, tinangka ni dating Duterte Youth Party-list Rep. Ronald Cardema na ihain ang impeachment complaint laban kay Marcos, ngunit nabigo ito dahil wala sa kanyang tanggapan si House Secretary General Reginald Velasco para tanggapin ang reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.