Bagong istratehiya pinaplano ng Alyansa para manalo 12 kandidato

METRO MANILA, Philippines — Magbabago ng istratehiya sa pangangampanya ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas para maabot ang target na mahalal sa ika-12 Mayo 12 na kandidato nito sa pagaka-senador.
Ito ang sinabi ni Alyansa campaign manager, Rep. Toby Tiangco, nitong Biyernes dahil tatlo hanggang apat sa kanilang mga kandidato ang hindi pumapasok sa “Magic 12” ng mga survey.
Aniya, masusi nilang pinag-aaralan ang mga resulta ng ibat-ibang surveys dahil mahigit 50 na araw na lamang ang natitira sa kampanya.
BASAHIN: Alyansa bets tiwalang maka 12-0 sa Metro Manila dahil kay Marcos
Dinagdag ni Tiangco na pag-uusapan nila ng kanilang mga kandidato ang mga leksyon ng resulta ng mga survey para sa gagawin nilang bagong istratehiya.
Ang mga kandidato ng Alyansa ay ang mga sumusunod.
- Sen. Francis Tolentino
- Sen. Pia Cayetano
- Sen. Lito Lapid
- Sen. Imee Marcos
- Sen. Ramon Revilla Jr.
- dating Senate President Vicente Sotto III
- dating Sen. Panfilo Lacson
- dating Sen. Manny Pacquiao
- Rep. Erwin Tulfo
- Rep. Camille Villar
- dating Interior Secretary Benhur Abalos
- Makati City Mayor Abby Binay
Sa kanilang pang-siyam na magkakasamang pangangampaniya sa Tacloban City muli silang inilapit sa mga botante ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Base sa pagtataya, humigit kumulang 100,000 ang dumalo sa campaign rally sa Plaza Libertad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.