Power sector overtaxed kaya mataas presyo ng kuryente – Abalos

METRO MANILA, Philippines — Pangalawa sa Asya na may pinakamataasna halaga ng kuryente ang Pilipinas dahil sa sobra-sobrang buwis.
Ito ang sinabi ni dating Interior Secretary Benhur Abalos, kayat aniya kapag nahalal siya sa Senado, kabilang sa mga panukala na agad niyang ihahain ay ang pag-aalis ng value added tax (VAT) sa enerhiya.
“This will be one of my first bills. Lowering energy costs will spur more businesses, more jobs, and better lives for Filipinos,” aniya.
BASAHIN: Benhur Abalos suportado panukalang pensyon sa mga magsasaka
Aniya, may patong na magkakahiwalay na 12% buwis sa generation , distribution, at transmission cost.
Bukod pa dito, dinagdag pa ni Abalos, ipinapasa din sa mga konsyumer ang systems loss.
Ang mataas na halaga ng kuryente sa Pilipinas ang isa sa mga dahilan kayat iniiwasan ng mga banyagang negosyante ang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.