Alisin ang VAT sa kuryente at produktong petrolyo – Abalos

By Jan Escosio April 07, 2025 - 08:24 AM

PHOTO: Benhur Abalos onstage campaigning FOR STORY: Alisin ang VAT sa kuryente at produktong petrolyo – Abalos
Pabor si dating Interior Secretary Benhur Abalos na maalis ang value added tax sa kuryente at produktong-petrolyo na ginagamit ng mga planta ng kuryente. —Larawan mula sa opisina ni Abalos

METRO MANILA, Philippines — Makikinabang ang milyong-milyong Filipino kung aalisin ang value-added tax sa kuryente at sa produktong petrolyo na ginagamit sa mga planta ng kuryente.

Ito ang paniniwala ni dating Interior Secretary Benhur Abalos dahil bababa ang halaga ng kuryente sa bansa.

“Kung gusto natin bumaba ang presyo ng kuryente, tanggalin na dapat ang VAT at ang buwis sa krudo para mas maging abot-kaya ang bayarin,” ani Abalos.

Isinusulong din niya ang pagbibigay ng gratuity at insentibo para sa mga job order at contract of service workers sa gobyerno.

BASAHIN: Abalos lilinawin sa mga magsasaka pananaw niya sa Rice Tarrification Law

Samantala, karagdagang 300 lider at miyembro ng malalaking transport groups ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kandidatura ni Abalos.

Kasama sa mga grupong ito Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas Inc. (LTOP Inc.), Stop and Go Transport Coalition, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), at Pasang Masda.

Kamakailan ay nakipag-pulong si Abalos kay Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II upang hilingin ang mas mabilis na pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga TODA at jeepney drivers.

Noong nakaraang ika-4 ng Abril nakuha ni Abalos ang suporta ng ibat-ibang urban poor groups kabilang ang  mga sumusunod:

  • Bahangunian sa Laguna)
  • Maharlika Homeowner’s Association sa Taytay
  • Bagong Pag-asa Homeowners’ Association sa Taytay
  • Samahang Magkakapitbahay ng Velederama Inc. sa Maynila
  • Samahang Magkakapitbahay sa Juan de Moriones sa Maynila
  • Nagkakaisang Mamamayan sa Pasong Putik sa Quezon City
  • Samahan ng Maralitang Magkakapitbahay ng Delpan Island sa Maynila
  • ULAP Dona Soledad Imelda Federation sa Quezon City
  • Alliance of People’s Organization along Manggahan Floodway sa Pasig
  • iba’t ibang pang asosasyon sa Taguig, Montalban, at San Mateo.

“Pabayaan ninyo ako na maging boses ninyo sa Senado. Ibubuhos ko ang aking karanasan at serbisyo para sa kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na sa mga nasa grassroots,” sabi pa ni Abalos.

TAGS: 2025 elections, benhur abalos, VAT on oil, VAT on power, 2025 elections, benhur abalos, VAT on oil, VAT on power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.