Higit 1.7M pasahero inaasahan sa seaports sa Semana Santa

By Jan Escosio April 09, 2025 - 05:21 PM

PHOTO: Passengers at a port FOR STORY: Higit 1.7M pasahero inaasahan sa seaports sa Semana Santa
Screengrab mula sa isang Facebook video ng Philippine Coast Guard

METRO MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa higit 1.7 milyon ang bibiyahe sa karagatan ngayon Semana Santa, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Sa pagtataya ng PPA, aabot sa 1,729,426 na pasahero ang papasok at lalabas sa mga pantalan na nasa ilalim ng kanilang pangangsiwa simula sa Sabado, ika-12 hanggang ika-20 ng Abril 12.

Mas mataas ito sa naitalang 1,670,943 na pasahero na bumiyahe noong Semana Santa noon 2024.

BASAHIN: Higit 1M Holy Week passengers naitala sa NAIA

Karamihan sa mga pasahero ay bibiyahe mula sa Port Management Office (PMO)-Batangas, PMO-Mindoro, PMO-Panay/Guimaras, PMO-Siquijor/Negros Oriental, at PMO-Bohol.

Sa ika-10 ng Abril, bibisitahin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang Batangas Port bilang simula ng kanyang Holy Week port inspection.

Makakasama niya si PPA General Manager Jay Santiago at iba pang opisyal ng Department of Transportation.

TAGS: Holy Week 2025, Lent 2025, Holy Week 2025, Lent 2025

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.