Higit 1M Holy Week passengers naitala sa NAIA

By Jan Escosio April 01, 2024 - 03:28 PM

Higit isang milyong pasahero naitala sa NAIA noong Semana Santa. (INQUIRER PHOTO)

Dumami ang bumiyahe sa pamamagitan ng  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakalipas na Semana Santa.

Ang 1,040,707 pasahero ay bumiyahe mula Linggo ng Palaspas hanggang Pasko ng Pagkabuhay kahapon at ito ay mataas ng 12 porsiyento kumpara sa naitalang 926, 755  ng Semana Santa noong nakaraang taon.

May 511,073 pasahero ang lumapag sa NAIA, samantalang 529,634 naman ang lumipad.

May 521, 154 ang nagtungo sa ibat-ibang bahagi ng bansa, samantalang 519,154 naman ang bumiyahe sa ibang mga bansa.

Pinakamaraming  naitalang pasahero kahapon, samantalang pinakakonti naman noong nakaraang Biyernes Santo.

Wala naman insidenteng naitala sa buong linggo ng Semana Santa, maliban sa pagbaba ng suplay ng kuryente sa NAIA Terminal 2 noong Marso 27 na tumagal ng halos tatlong oras.

 

TAGS: Holy Week, NAIA, Holy Week, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.