Mga umaresto kay Rodrigo Duterte delikado sa kidnapping – dela Rosa

METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na maaaring sampahan ng kasong kidnapping ang mga pulis na umaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Idiniin ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na walang legal na basehan ang mga pulis nang hulihin nila ang dating pangulo noong ika-11 ng Marso.
Idinagdag pa ni dela Rosa na ang dapat umaresto kay Duterte ay ang mga tao na humiling na hulihin — at ang International Trial Court ang kanyang tinukoy.
BASAHIN: Marcos admin officials itinangging isinuko sa ICC si Rodrigo Duterte
Mga awtoridad ng Pilipinas ang humuli sa kanya at naghatid sa ICC, ayon kay dela Rosa.
Ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, si Maj. Gen. Nicolas Torre III, ang pinakamataas na opisyal ng PNP na nakipag-negosasyon sa kampo ni Duterte para mapatupad ang arrest warrant ng ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.