Barangay polls postponement bill prayoridad sa Senate – Tolentino

By Jan Escosio January 10, 2025 - 03:15 PM

PHOTO: Francis Tolentino FOR STORY: Barangay polls postponement bill prayoridad sa Senate – Tolentino
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, kabilang ang panukalang ipagpaliban ang 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa mga prayoridad ng Senado sa pagbabalik sesyon sa susunod na linggo. —Larawan mula sa kanyang tanggapan

METRO MANILA, Philippines — Ang panukala na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections nitong 2025 ay kabilang sa mga prayoridad na matalakay sa pagbabalik ng sesyon sa Senado sa susunod na linggo, ayon sa pahayag nitong Biyernes ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino.

Ayon sa kanya, kasama rin sa mga prayoridad ay ang panukala para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang panukalang pagtaas sa pension differentials ng mga kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA), at ang panukalang maamyendahan ang Baguio City charter.

Idininagdag pa ni Tolentino na ang panukalang ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay lumusot na sa bicameral conference.

BASAHIN: Tolentino inihirit ang simpleng earthquake advisory ng Phivolcs

Kapag ito ay naging batas, dalawang taon ang madadagdagan din ang termino ng mga kasalukuyang mga lokal na opisyal.

Binigyan din ng senador ang kahalagahan ng modernisadong Phivolcs at kabilang na ang pagbili ng mas makabagong mga kagamitan para sa paghahanda ng mga mamamayan.

TAGS: Francis Tolentino, Senate priority bills, Francis Tolentino, Senate priority bills

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.