‘Radio challenge’ ginawa ng PCG sa China vessels sa Zambales

By Jan Escosio January 10, 2025 - 02:42 PM

PHOTO: BRP Teresa Magbanua FOR STORY: ‘Radio challenge’ ginawa ng PCG sa China vessels sa Zambales
The BRP Teresa Magbanua, ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard na nasa Kalayaan Island Group. —Larawan mula sa Facebook page ng barko

METRO MANILA, Philippines —Ilang beses na nagsagawa ng “radio challenge” ang Philippine Coast Guard (PCG) sa China Coast Guard (CCG) vessels na namataan sa dagat ng Zambales.

Ito ang ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson for West Philippine Sea,  at aniya ilang beses na pinaalahanan ng kanilang BRP Teresa Magbanua ang Chinese vessels na sila ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Aniya pinagsabihan ang Chinese vessels na kailangan na nilang umalis sa dagat na sakop ng Zambales.

BASAHIN: Chinese vessels dumami sa WPS, ayon sa Philippine Navy

Ayon kay Tarriela ang mga banyagang sasakyang pandagat ay namataan  sa distansiyang 70 nautical miles hanggang 80 nautical miles mula sa dalampasigan ng Zambales.

Kamakalawa, namataan ng PCG ang CCG-3013 na naglalayag patungo ng Zambales at pinaniwalaan na ito ang papalit sa CCG-5901 o ang tinaguriang “Monster Ship” ng CCG.

Ang dambuhalang barko ng CCG ay unang namataan malapit sa Capones Island sa Zambales noong ika-4 ng Enero.

TAGS: PH-China relations, philippine coast guard, West Philippine Sea, PH-China relations, philippine coast guard, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.