PCSO binigyan ng WLA Certification for responsible gaming

By Jan Escosio January 10, 2025 - 02:29 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. and Mel Robles FOR STORY: PCSO binigyan ng WLA Certification for responsible gaming
Nakipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos si PCSO General Manager Mel Robles at ipinagmalaki ang mga pagkilala at parangal na iginawad sa ahensya. Inilatag din ni Robles ang mga plano para mas mapagbuti ang pagbibigay serbisyo ng ahensya. (PCSO photo)

METRO MANILA, Philippines — Ginawaran ng World Lottery Association (WLA) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Level 2 Certificate for Responsible Gaming.

Ibinahagi ni PCSO General Manager Mel Robles na napabilang ang ahensiya sa “elite group of lottery operators” sa buong mundo.

Bunga ito anya ng isinagawang assessment ng isang independent panel sa mga programa ng PCSO bunga ng kanilang lotto games.

BASAHIN: PCSO muling kinilala na Best GOCC

Ayon kay Robles,  kabilang sa kinilala ang kawanggawa ng ahensya, partikular na sa sektor ng kalusugan.

“Achieving the WLA Level 2 Certification demonstrates our ongoing commitment to balancing revenue generation for charitable causes with the promotion of responsible gaming,” sabi pa niya.

Ito raw ay patunay din na pinangangalagaan ng PCSO ang interes ng mga mananaya at mga pinagsisilbihan nilang komunidad.

Ibinahagi din nito ang kanilang mga plano para mapataas pa ang kinikita ng ahensya at makatulong sa gobyerno sa pagtugon sa kalamidad at pagbibigay kabuhayan sa mga Filipino.

“Looking ahead, the PCSO is dedicated to continuously enhancing its responsible gaming framework to achieve higher levels of WLA certification while fostering trust, transparency, and accountability among its stakeholders,” dinagdag pa ni Robles.

TAGS: Philippine Charity Sweepstakes Office, World Lottery Association, Philippine Charity Sweepstakes Office, World Lottery Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.