Maliliit na mangingisda umalma sa SC ruling sa municipal waters

By Jan Escosio January 10, 2025 - 12:48 PM

PHOTO: Fishers protest at Supreme Court against ruling on municipal waters FOR STORY: Maliliit na mangingisda umalma sa SC ruling sa municipal waters
Hiniling ng mga mangingisda sa Korte Suprema ang pagbawi sa pagpapatibay sa desisyon na paglabag sa Konstitusyon ang pagtatakda ng limitasyon sa “15-kilometer municipal water.” —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Kinalampag ng may 300 mangingisda ang Korte Suprema sa desisyon na “unconstitutional” ang deklarasyon ng “municipal waters” kung saan sila naghahanapbuhay.

Kasabay ng kilos protesta ng Katipunan ng mga Kilusan ng Artisanong Mangingisda sa Pilipinas (KKAMPI) at NGOs for Fisheries Reform (NFR) ang paghahain nila  ng petition to intervene sa Korte Suprema.

Pinalagan ng mga mangingisda ang pagpapatibay ng 1st Division ng Korte Suprema sa hatol ng Malabon Regional Trial Court Branch 170 na nagdeklarang labag sa Saligang Batas ang pagdeklara sa “municipal waters” dahil sa kabiguan ng Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na maghain ng apila.

BASAHIN: West Philippine Sea nahagíp ng fishing ban ng China sa SCS

Nabatid ng Radyo Inquirer na inihain ng BFAR ang kanilang apila sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) noong ika-4 ng Enero 2024, ngunit ang taning na ibinigay ng korte ay ika-11 ng Disyembre 2023.

Ayon sa mga mangingisda, bunga ng desisyon maari nang mangisda maging ang commercial fishing vessels sa loob ng 15-kilometer municipal waters kayat lubhang maaapektuhan ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.

Bukod dito, posible rin na magbunga ito nang pagkasira ng mga yamang-dagat at “overfishing.”

“Hiling namin na itama ng Korte Suprema ang itama ang naunang desisyon at itaguyod ang karapatan at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda,” sabi ni Mayette Rodriguez, executive director ng KKAMPI.

TAGS: municipal waters, small fishermen, Supremem Court, municipal waters, small fishermen, Supremem Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.