Tayabas mayor suspendido dahil sa pagbili ng heavy equipment

By Jan Escosio December 20, 2024 - 01:30 PM

PHOTO: Facade of the Office of the Ombudsman FOR STORY: Tayabas mayor suspendido dahil sa pagbili ng mga heavy equipment
Facade of the Office of the Ombudsman (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Anim na buwan na preventive suspension ang ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Tayabas City Mayor Maria Lourdes Reynoso-Pontioso dahil sa pagbili ng P113 milyong halaga ng mga truck nitong nakaraang 2024.

Sinuspindi din ni Ombudsman Samuel Martires si Tayabas City Administrator Diego Narzabal.

Base sa walong pahinang resolusyon ni Martires, sinabi nito na may sapat na batayan para imbestigahan pa sa mga reklamong grave misconduct, grave abuse of authority, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang dalawang lokal na opisyal.

BASAHIN: Suspensyón inapelá ni Bohol Gov. Erico Aumentado sa Ombudsman

Nabatid na ang kinukuwestiyon na pagbili ni Reynoso-Pontioso ay base sa mga nahalukay na dokumento ng Sangguniang Panglungsod ng Tayabas.

Nadiskubre na inaprubahan ng alkalde ang pagbabayad sa Avantrac Heavy Machinery sa pamamagitan ng letter of credit mula sa Philippine Veterans Bank sa halagang $488,686 — o mahigit P113 milyon — sa kabila ng mga pagkakaiba-iba ng mga dokumento.

Bukod dito, ipinag-utos din ni Reynoso-Pontioso ang pagbabayad ng buo sa Avantrac kahit naantala ang pag-deliver ng apat sa mga biniling truck.

Nadiskubre din na ilan sa mga truck ang nawawala o hindi gumagana.

Samantala, sa inilabas na pahayag ni Reynoso-Pontioso sinabi nito na susunod siya sa kautusan ng Office of the Ombudsman at iginiit na gagawa din siya ng legal na hakbang para linisin ang kanyang pangalan.

Naniniwala ang alkalde na gawa-gawa lamang ang mga reklamo at ito ay nag-ugat sa pulitika.

TAGS: Grave Abuse of Authority, Maria Lourdes Reynoso-Pontios, Office of the Ombudsman, suspended mayor, Grave Abuse of Authority, Maria Lourdes Reynoso-Pontios, Office of the Ombudsman, suspended mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.