Suspensyón inapelá ni Bohol Gov. Erico Aumentado sa Ombudsman
METRO MANILA, Philippines — Naghain ng mosyón sa Office of the Ombudsman si suspended Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado para bawiin ang kanyáng suspensyón.
Sa kanyáng motion for reconsideration, sinabi ni Aumentado na nasorpresa siyá sa ipinataw sa kanyáng anim na buwán na suspensyón dahil sa nabunyág na pagkakatayô ng Captain’s Peak Garcen and Resort sa bahagì ng Chocolate Hills sa bayan ng Sagbayan.
Ang suspensyón sa kanyá at sa 68 pang mga opisyál ay base sa mga alegasyón ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of service.
BASAHIN: Bohol governor, 68 pang ibá sa Chocolate Hills issue suspendido
Mariín niyáng itinanggí na may nalalaman siyá sa pagpapatayô ng naturang resort sa katuwiran na itinayô itó noóng 2018, kung kailán siyá pa ang kinatawán sa Kamara ng ikalawang distrito ng lalawigan.
Nahalál siya bilang gobernadór noon lamang 2022.
Hindí rin aniya siya naimbitahán sa Protected Area Management Board (PAMB) noong Hulyo 2022 kung kailán namán inaprubahán ang resolusyón na nag-endorso para sa pagsasaayós ng Captain’s Peak Resort.
Nabanggít din sa kanyáng mosyoó na mahinà ang ebidensya para siyá ay mapatawan ng preventive suspension.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.