Walang aalisin na gov’t workers sa Rightsizing Bill – Escudero

By Jan Escosio December 20, 2024 - 04:05 PM

PHOTO: Francis Escudero FOR STORY: Walang aalisin na gov't workers sa Rightsizing Bill – Escudero
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nilinaw ni Senate President Francis Escudero na hindi layunin ng Rightsizing Bill na magbawas ng mga kawani sa mga ahensiya ng gobyerno.

Sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 890, binigyan diiin ni Escudero na ang layon ng panukalang-batas ay maiangat ang kalidad ng ibinibigay na serbisyo ng mga ahensiya.

Dagdag pa niya, layon din ng batas na maitalaga ang nararapat na tao sa angkop na posisyon para sa pangangailangan ng taumbayan.

Sinabi din ni Escudero na hindi sasakupin ng isinusulong na batas ang Armed Forces of the Philippines, ang iba pang uniformed personnel, maging ang mga kawani sa sektor ng edukasyon, Kongreso, Korte Suprema, Constitutional commissions at mga lokal na pamahalaan.

BASAHIN: Contract workers gawing regular na – Budget chief

Binanggit din ng senador na kapag naalis ang pagkakatulad ng mga posisyon at trabaho, mas magiging simple ang mga proseso at pagbibigay serbisyo kayat makakatipid pa ang gobyerno.

Aniya ang pangulo ng bansa ang ” chief rightsizing officer” at tutulungan siya ng isang komite na bubuuin ng executive secretary, kalihim ng Department of Budget and Management, gayundin ng namumuno sa Civil Service Commission at Anti-Red Tape Authority.

TAGS: Francis Escudero, government workers, Rightsizing bill, Francis Escudero, government workers, Rightsizing bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.