Contract workers gawing regular na – Budget chief
METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa mga ahensiya ng gobyerno nitong Miyerkules na gawing regular o permanente ang kanilang mga contract of service (COS) at job order workers.
Sinabi ni Pangandaman na 92% ng 2,017,380 plantilla positions sa gobyerno ang okupado at 8% o 168, 719 ang bakante na.
“We encourage our department heads to absorb ‘yung mga JO and COs natin when they fill in these unfilled plantilla positions. I-prioritize natin sila,” ani Pangandaman.
BASAHIN: CSC tutulong ma-regular mga contractual workers sa gobyerno
Ito aniya ay alinsunod sa nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin hanggang ika-31 ng Disyembre 2025 ang termino ng mga kawani na ang posisyon ay nasa ilalim ng contract of service o job order.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang desisyon ni Marcos ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani na palawigin ang kanilang karanasan at kaalaman bago mag-apply sa mga bakanteng permanenteng posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.