Pagbura sa utang ng mga magsasaka pamana ni Marcos – Tolentino

By Jan Escosio December 19, 2024 - 01:18 PM

PHOTO: Francis Tolentino and Conrado Estrella III FOR STORY: Pagbura sa utang ng mga magsasaka pamana ni Marcos - Tolentino
Sinaksihan ni Sen. Francis Tolentino ang pamamahagi ni Agrarian Refom Secretary Conrado Estrella III (kanan) ng loan condonation certificates sa may 3,000 magsasaka sa Pangasinan.  Larawan mula sa opisina na Tolentino

METRO MANILA, Philippines — Magandang pamana ng administrasyong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbura sa mga utang mga magsasaka.

Ito ang sinabi ni Sen. Francis “Tol” Tolentino nang pangunahan ang pamamahagi ng loan condonation certificates, titulo ng mga lupa at makinarya sa pagsasaka sa 3,000 magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.

Aniya ang pagbasura sa mga utang ng mga magsasaka ay bunga ng New Agrarian Reform Emancipation Act (RA 11953) na ipinatupad noong nakaraang taon.

BASAHIN: House bill nais bigyan ng pensyon mga magsasaka, mangingisda

Dahil sa naturang batas, binura na ang lahat ng mga pagkakautang ng mga benepisyaryo ng agrarian reform program, kasama na ang mga interes at multa na bunga nang pagsasaka sa mga lupang ibinigay sa mga magsasaka.

Sinabi ni Tolentino na dahil sa bagong batas mawawala na ang intindihin ng mga magsasaka sa kanilang mga utang at sila ay mas magiging produktibo.

Dumalo sa pagtitipon sina Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Pangasinan Gov. Ramon Guico III at Alaminos City Mayor Arth Celeste.

TAGS: farmers’ debt, Ferdinand Marcos Jr., Francis Tolentino, farmers’ debt, Ferdinand Marcos Jr., Francis Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.