PCSO tiniyak ang suporta sa urban poor commission

By Jan Escosio December 19, 2024 - 05:54 PM

PHOTO: Mel Robles and Rey Galupo FOR STORY: PCSO tiniyak ang suporta sa urban poor commission
Sina PCSO GM Mel Robles at PCUP Commissioner Rey Galupo matapos ang kanilang pulong kamakailan. (PCSO photo)

METRO MANILA, Philippines — Patuloy ang pagsuporta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Ito ang tiniyak ni PCSO General Manager Mel Robles matapos makipagpulong kay PCUP Commissioner Rey Galupo kamakailan.

“Narito lang kami para sa mga lubos na nangangailangan, lalo na sa mga mahihirap na pamilya,” sabi ni Robles kay Galupo.

BASAHIN: PCSO muling kinilala na Best GOCC

Ayon pa kay Robles suportado ng ahensya niya ang mga programa ng PCUP dahil sa sobrang dedikasyon ni Galupo na magsilbing tulay ang kanyang opisina sa pagitan ng gobyerno at mga mahihirap na komunidad.

Noong 2022, tinulungan ng ahensya ang PCUP na makapagsimula ng isang kooperatiba, na naging malaking tulong sa 30 pamilya sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Nakapagbigay na rin ang PCSO ng maraming medical at financial assistance sa mga mahihirap na Filipino sa pamamagitan ng opisina ni Galupo.

Sa bahagi naman ni Galupo, sinabi niya napakalaking tulong sa kanilang ahensiya ang PCSO at iba pang opisina ng gobyerno.

“Hindi matatawaran ang malaking tulong ng PCSO sa PCUP dahil kung wala ang kanilang suporta maaring disenyo na lamang ang aming mga programa,” ani Galupo.

Aniya sa susunod na taon may mga programa na silang nakalinya at kabilang ang tatlong medical missions sa Metro Manila.

“Napakahalaga na malaman at maramdaman ng mamamayan ang tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng ibat-ibang ahensiya partikular na ang PCSO, para umangat ang antas ng kanilang pamumuhay,” dinagdag pa ni Galupo.

TAGS: Philippine Charity Sweepstakes Office, Presidential Commission for the Urban Poor, Philippine Charity Sweepstakes Office, Presidential Commission for the Urban Poor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.