‘Aliases’ sa paggamit ng intel funds dapat dokumentado – Lacson
METRO MANILA, Philippines — Iginiit ni dating Sen. Panfilo Lacson na bagamat pinapayagan ang paggamit ng “aliases” o “code names” para sa intelligence informers kinakailangan pa rin na may mga dokumento.
Ang mga dokumento, sabi Lacson, na naging hepe ng Philippine National Police (PNP), ay ang dapat pagbasehan sa pagberipika ng katauhan ng informer.
Iginiit niya ang intelligence fund ay pampublikong pondo kayat maaring sumailalim sa audit at may konting pagkakaiba lamang sa proseso ng liquidation.
BASAHIN: OVP, DepEd confidential funds bubusisiin ng mga senador
Kailangan lamang aniya matiyak na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng intelligence assets.
Dinagdag pa ni Lacson na dapat lamang na magpatuloy ang pagbusisi sa paggamit sa mga pampublikong pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.