OVP execs binalaan ng House panel sa pag-isnab sa hearing

By Jan Escosio November 05, 2024 - 05:18 PM

PHOTO: House of Representatives logo and plenary hall STORY: OVP execs binalaan ng House panel sa pag-isnab sa hearing
Stock photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Hindi na papayagan pa ng House committee on good government and public accountability ang hindi pagharap sa pagdinig ng pitong matataas na opisyal ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pagdinig ngayong Martes, nagpalabas ang komite ng panibagong subpoena ad testificandum para dumalo na sa pagdinig ang mga opisyal ng opisina ni Vice President Sara Duterte.

Ang mga opisyal na kinakailangan nang dumalo ay ang mga sumusunod:

  • Zuleika Lopez, OVP chief of staff
  • Lemuel Ortonio, assistant chief of staff at bids and awards committee chair
  • Rosalynne Sanchez, administrative and financial services director
  • Gina Acosta, special disbursing officer
  • Julieta Villadelrey, chief accountant
  • Sunshine Fajarda, dating DepEd asssistant secretary
  • Edward Fajarda, special disbursing officer

BASAHIN: VP Duterte duda na sa pagkasa ng OVP projects sa 2025

Si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Paduano ang nagpaalala na nagiging tuang komite sa mga opisyal at kailangan na ipatupad ang mga alintuntunin kaugnay sa hindi pagsipot sa pagdinig ng resource persons.

Sa tugon ng mga opisyal sa komite, kinuwestiyon nila ang hurisdiksyon ng komite gayundin ang huli nang pagbibigay sa kanila ng subpoena na inilabas noong nakaraang pagdinig.

Inaprubahan ni Manila 3rd district Rep. Joel Chua ang mosyon ni Paduano at sinuportahan ito ni Manila 6th district Rep. Benny Abante sa katuwiran na apat na beses nang hindi sumipot ang mga opisyal sa kabila ng imbitasyon at subpoena.

TAGS: House of Representatives, Office of the Vice President, Sara Duterte, House of Representatives, Office of the Vice President, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.