VP Duterte duda na sa pagkasa ng OVP projects sa 2025

By Jan Escosio August 28, 2024 - 11:45 AM

PHOTO: Sara Duterte STORY: VP Duterte duda na sa pagkasa ng OVP projects sa 2025
Vice President Sara Duterte | Larawan mula sa Facebook account niya

METRO MANILA, Philippines —Hindi na umaasa si Vice President Sara Duterte na maikakasa pa ang mga proyekto ng Office of the Vice President (OVP) sa 2025 dahil sa mga tinatawag ni mga isyung pulitikal na kanyang kinasasangkutan.

Sa pagdinig ng 2025 OVP budget sa Kamara nitong Martes, binanggit niya ang mga maaring maapektuhan ay ang kanyang pangarap para sa permanenteng opisina ng Office of the Vice President (OVP), ang pagbuo sa OVP charter, at ang pagpapatayo ng Vice Presidential Museum.

Aniya, ang maaring magtuloy-tuloy na lamang sa mga programa at proyekto ng OVP ay ang pagbibigay ng medical at burial assistance.

BASAHIN: VP Duterte todo-sisi sa pagsuporta kay Ferdinand Marcos – Imee

Ayon pa kay Duterte ang kanyang mga programa at proyekto ay naka-angkla sa kanyang plataporma na “trabaho, edukasyon, at mapayapang pamumuhay”  — na dahil sa pulitika ay may pangamba siya na hindi ganap na mapopondohana ang mga ito.

Humarap pa si Duterte sa House committee on appropriations para sa panukalang P2.037-bilyon na 2025 budget ng OVP.

Ngunit taliwas sa nangyari noong 2022 at 2023, ipinagpaliban ni komite ang deliberasyon bunsod ng diumano’y pagtanggi ni Duterte na sagutin at bigyang-linaw ang mga tanong ng mga mambabatas ukol sa naging paggasta ng OVP ng mga unang nailaan na pondo.

Sa ika-10 ng Setyembre muling magsasagawa ng deliberasyon sa pondo ng OVP sa susunod na taon.

TAGS: 2025 OVP budget, Office of the Vice President, Sara Duterte, 2025 OVP budget, Office of the Vice President, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.