Gobyerno handa sa idudulot ng Typhoon Julian – Marcos

By Jan Escosio September 30, 2024 - 03:26 PM

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. STORY: Gobyerno handa sa idudulot ng Typhoon Julian - Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na nakahanda ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa anumang idudulot ng Typhoon Julian.

Siniguro din ni Marcos na nakatutok gobyerno sa galaw ng bagyo at sa mga idinudulot nito sa mga apektadong lugar.

Aniya, ito ay para alam nila agad kung ano ang magiging pangangailangan  sa mga masasalantang lugar bagamat maaring kailangan din na pababain ang tubig sa mga lulubog na lugar.

BASAHIN: La Niña maaring humatak ng mas maraming bagyo sa Q4 – DOST

Sinabi pa ni Marcos nakahanda ang lahat ng mga ospital at healthcare centers, maging ang ipamamahaging family food packs.

Nabanggit din niya na maging ang magsasaka at mangingisda ay kumilos na rin para mapangalagaan ang kanilang mga kabuhayan.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Julian, Philippine weather, Ferdinand Marcos Jr., Julian, Philippine weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.