Crew ng BRP Teresa Magbanua nabuhay sa lugaw, tubig ulan – PCG
METRO MANILA, Philippines — Sasailalim sa physical, medical at psychological examinations ang mga opisyal at tauhan ng BRP Teresa Magbanua (MRRV 9701) ng Philippine Coast Guard matapos ang mahigit apat na buwan na pagbabantay sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG, dahil aniya sa nakalipas na tatlong linggo ay nabuhay ang mga opisyal at tauhan sa lugaw at tubig ulan na ang kanilang iniinom dahil nasira ang desalination equipment ng barko.
Ayon kay Tarriela hanggang noong Hulyo ay maayos pang naisagawa ang resupply missions sa BRP Magbanua hanggang sa maging agresibo na ang puwersa ng China sa pagharang ng pagpapadala ng mga suplay noong nakaraang buwan.
BASAHIN: Chinese vessels dumami sa WPS, ayon sa Philippine Navy
Noong Biyernes nilisan ng BRP Magbanua ang Escoda Shoal at nagbalik sa kanilang homeport sa Puerto Princesa City kahapon.
Kailangan din na sumailalim sa repair ang naturang barko ng PCG matapos mapinsala sa pagbangga ng isang China Coast Guard (CCG) vessel noong Agosto 31.
Ayon pa kay Tarriela ilang din sa mga tauhan ng BRP Magbanua ang nangangailan ng atensiyong medikal.
Ibinahagi pa ng opisyal na magpapadala ang PCG ng kapalit na barko na magbabantay sa Escoda Shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.