Curfew, liquor ban sa Canlaon City dahil sa alburoto ng Kanlaon
METRO MANILA, Philippines — Ipinapatupad ng pamahalaan ng Canlaon City sa Negros Oriental ang curfew sa mga kabataan at liquor ban simula nitong Huwebes dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Kanlaon Volcano.
Base sa inilabas na Executive Order No. 67 ni Mayor Jose Cardenas, inatasan ang mga negosyo sa lungsod na magsara ng 10 p.m. kasabay nang simula naman ng curfew.
Ipinagbabawal na rin sa lungsod ang pagbebenta ng mga nakakalasing na inumin para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
BASAHIN: 301 na residente lumikas dahil sa pag-aalburuto ng Kanlaon
Ginawa na rin mandatory ang pagsusuot ng mask ng lahat sa mga pampublikong lugar para mabawasan ang epekto ng asupre na nagmumula sa bulkan.
Pinayuhan din ni Cardenas ang kanyang mga kababayan na haggang maaari ay panatilihing nakasara ang mga bintana at pintuan ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.