301 na residente lumikas dahil sa pag-aalburuto ng Kanlaon

By Jan Escosio September 11, 2024 - 02:15 PM

PHOTO: Kanlaon eruption STORY: 301 na residente lumikas sa pag-aalburuto ng Kanlaon Volcano
Makikita sa larawan na itó, na kuha ni Dollet Demaflies, ang Kanlaon Volcano na nagbubugá ng abó sa pagsabog nitó. Ang kuha na itó ay mulá sa La Castellana sa Negros Occidental noóng ika-3 ng June2024. (Larawan mulá kay Dollet Demaflies na nilathalà ng Agence France-Presse)

METRO MANILA, Philippines— Kinailangan na umalis ng kanilang bahay ang 301 indibiduwal na nakatira malapit sa nag-aalburutong Kanlaon Volcano, ayon sa pahayag nitong Miyerkules ni Edna Lhou Masicampo, Canlaon City information officer-designate.

Nabatid ng Radyo Inquirer na ang mga indibiduwal ay mula sa 92 pamilya mula sa Barangay Masulog, Barangay Pula, Barangay Malaiba at Barangay Lumapao sa Canlaon City.

Ang apat na barangay ay nasa loob ng 4-kilometer permanent danger zone (PDZ).

 BASAHIN: Mga malapit sa Kanlaon dapat gumamit ng mask, goggles – DOH

Sinuspindi na rin ni Mayor Jose Cardenas ang mga klase sa lahat ng antas sa mga priibado at pampublikong paaralan dahil sa panganib dulot ng ibinubugang asupre ng bulkan.

Nakapagtala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 337 volcanic earthquakes simula kaninang madaling araw at umabot na sa 9.985 tonelada ang naibugang asupre.

TAGS: Kanlaon Volcano, Phivolcs, Kanlaon Volcano, Phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.