Abalos ipinagtanggol ang PNP operation sa compound ni Quiboloy
METRO MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Linggo ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisilbi ng warrant of arrest para kay Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound sa Davao City.
Sinabi ni Abalos na ang operasyon ay base sa intelligence report na nasa loob pa ng 30-ektaryang compound ng KJC founder.
Aniya maraming gusali, mga sikretong kuwarto, at lagusan na kailangan na suyurin mabuti.
BASAHIN: KJC Compound susuyurin ng PNP sa Quiboloy manhunt
Sinabi pa ng kalihim na atake sa puso ang ikinamatay na taga-sunod ngn pastor at sila ay nakiramay na sa mga naulila nito.
Kayat nanawagan si Abalos kay Quiboloy at sa mga kapwa akusado nito sa mga kasong qualified human trafficking, sex abuse at child abuse na sumuko na lamang.
“Ang kanyang pagsuko ay pagpapakita ng paggalang sa batas,” sabi pa ni Abalos.
Panawagan din nito sa mga tagasunod ni Quiboloy na maging kalmado at hayaan lamang na gawin ng mga awtoridad ang kanilang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.