KJC Compound susuyurin ng PNP sa Quiboloy manhunt

By Jan Escosio August 09, 2024 - 01:45 PM

PHOTO: 2024 August 09 - Apollo Quiboloy with Davao City map  STORY: KJC Compound susuyurin ng PNP sa Quiboloy manhunt
Apollo Quiboloy | Composite image mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Aabutin ng ilang araw ang paggalugad ng mga pulis sa 30 ektaryang Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound para hanapin si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa pahayag nitong Biyernes ni Col. Jean Fajardo, ang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Nakakadagdag din sa hirap ng kanilang paghahanap ang “delaying tactics” na ginagawa ng mga tagasunod ng KJC founder, sabi ni Fajardo.

Ipinaalala ni Fajardo na, noong ika-10 ng Hunyo nang tangkain ng mga pulis na isilbi ang arrest warrant sa pastor, gumamit ng mga bata at babae ang mga tagasunod para harangan ang mga pulis.

BASAHIN: Freeze order sa ari-arian ni Quiboloy nilabas ng CA

Dagdag pa niya, gumamit din ng firetruck ang mga tagasunod ni Quiboloy upang maitaboy ang mga pulis.

Aniya, batid nila na napaghandaan muli ang mga pulis na papasok sa compound.

Una nang inihayag ni Brig. Gen. Nicolas Torre III, hepe ng Davao Police Regional Office, na base sa kanilang intelligence monitoring nananatili sa KJC Compound si Quiboloy.

Nahaharap sa mga kasong child abuse at qualified human trafficking si Quiboloy.

TAGS: Apollo Quiboloy, KJC Compound, Philippine National Police, Apollo Quiboloy, KJC Compound, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.