PCSO sasagutin na ang doctor’s fee para sa mga pasyente
METRO MANILA, Philippines — Sasagutin na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga doctor’s fee ng mga ipapagmot nito, pahayag nitong Miyerkules ni House Speaker Martin Romualdez.
Napagkasunduan ito sa pakikipagpulong ni Romualdez kina PCSO General Manager Mel Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr.
Ayon kay Romualdez ang pagbabayad ng PCSO sa doctor’s fee ay maaring magsimula sa darating na Oktubre base na rin sa sinabi ni Robles.
BASAHIN: PCSO handang ipasuri ang sistema sa DICT
Nangangahulugan aniya na magiging libre na sa kabuuan ang serbisyong pangkalusugan ng gobyerno.
Sabi pa ni Romualdez na sa ngayon, bagamat libre na ang pagpapa-ospital, binabayaran pa rin ng pasyente ang professional fee ng doktor na gumamot o nag-opera sa kanila.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) ay may tulong pinansiyal para sa mga mahihirap na may-sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.