Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipasuri sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilang sistema sa pagpapalaro ng lotto.
Sinabi ito ni PCSO General Manager Mel Robles kina Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Sen. Raffy Tulfo sa pagdinig kahapon ng Senate Sub-Committee on Games and Amusement.
Ayon kay Robles makakabuti sa kanila ang suhestiyon ni Tulfo para na rin mapanatag ang kanilang kalooban.
Ikinasa ang pagdinig paras sa suriin ang integridad ng lotto games ng PCSO.
Iginiit din ni Robles na wala ng taya sa lotto ang papasok sa kanilang sistema pagsapit ng “cut off time” na alas-8:30 ng gabi bago ang pagbola ng mga mananalong kombinasyon.
Inamin ng opisyal na maaring tayaan ng isang indibiduwal ang lahat ng kombinasyon ng anim na numero, ngunit walang garantiya na magkakaroon lamang ng “solo winner.”
Pagbabahagi pa niya na base sa records ng PCSO, wala pang pagkakataon na tinayaan ang lahat ng mga kombinasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.