Kamuning flyover bukas na ulit, handa na sa ‘Big One’

By Jan Escosio August 15, 2024 - 10:30 AM

PHOTO: Kamuning flyover
Ang southbound lane ng Edsa-Kamuning flyover ay bukas na ulit simula nitong Huwebes, ika Thursday, ika-15 ng Agosto 2024. | Kuha ng Metropolitan Manila Development Authority

METRO MANILA, Philippines — Napaaga ng tatlong buwan ang pagbubukas muli sa mga motorista ng Kamuning flyover sa Quezon City.

Binuksan na muli ngayon araw ng Huwebes ang flyover matapos ang tatlong buwan na retrofitting.

Sinabi ni acting Chairman Don Artes ng Metropolitan Manila Development Authority na limang buwan dapat na tatagal ang pagsasaayos ng flyover, ngunit naging mabilis ito dahil sa kooperasyon at koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya.

BASAHIN: Metro Manila ‘The Big One’ evacuation plan ipinahahanda ni Sen. Francis Tolentino

Aniya, dahil sa retroffiting napagtibay at naihanda na ang flyover sa pagtama ng “Big One,”  ang inaantabayanag malakas na lindol bunga ng paggalaw ng West Fault Line.

Magpapatuloy naman ang paggawa sa ilalim na bahagi ng flyover, na dinadaanan ng 24,000 sasakyan at 23,000 motorsiklo kada araw.

Inanunsiyo na rin ni Artes ang planong pagsasa-ayos sa Guadalupa Bridge at Magallanes flyover kapwa sa lungsod ng Makati.

TAGS: Kamuning flyover, Metropolitan Manila Development Authority, Kamuning flyover, Metropolitan Manila Development Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.