Metro Manila ‘The Big One’ evacuation plan ipinahahanda ni Sen. Francis Tolentino
Panahon na para magkaroon ng mas komprehensibong evacuation plan sa Metro Manila bilang paghahanda sa ‘The Big One.’
Sinabi ito ni Sen. Francis Tolentino kaugnay sa mga panawagan na amyendahan na ang RA 6541 o ang National Building Code of the Philippines bunsod na rin ng pangamba ng mga taga-Metro Manila sa pagtama ng napakalakas na lindol mula sa West Valley fault line.
Sabi ni Tolentino kailangan ng karagdagag evacuation areas dahil sa paglobo ng populasyon at naitayong mga karagdagang istraktura.
Nangangahulugan aniya ito na mas marami ang posibleng masaktan o kahit mamatay
“Kung Metro Manila po ang pag uusapan, dumami na po yung sa Bonifacio Global City, dumami na po yung sa Eastwood, at nadagdagan na rin po itong nasa may Mall of Asia area, itong reclaimed areas. At least madagdagan pa ng dalawang malawakang evacuation center,” aniya sa isang panayam sa telebisyon.
Sa paglilingkod ni Tolentinio bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA), pinasimulan nito ang pagsasagawa ng regular na ‘shake drill.’
Ikinasa din niya ang Oplan Metro Yakal para sa epektibong sistema sa earthquake disaster preparedness, response, and evacuation plan sa Metro Manila sakaling tumama ang 7.2-magnitude earthquake mula sa West Valley Fault.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.