P7.3-M na imported drugs nasamsam sa Naia ng PDEA, BOC

By Jan Escosio August 02, 2024 - 07:40 AM

Package containing illegal drugs at NAIA STORY: P7.3-M na imported drugs nasamsam sa Naia ng PDEA, BOC
Isa sa mga package na naharang ng BOC at PDEA ay may laman na vape cartridges na may cannabis oil. | Larawan mula sa Facebook page ng Bureau of Customs

METRO MANILA, Philippines — Naharang ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong package na naglalaman ng ibat-ibang uri ng mga droga noong nakaraang linggo.

Ang mga package ay naglalaman ng 96 disposable vape cartridges na naglalaman ng cannabis oil, 468 grams ng kush o high-grade marijuana, at 957 grams ng shabu. Ang  ang mga ito ay may kabuuang halaga na P7.386 na milyon.

Ang mga packages ay nagmula sa Estados Unidos at Pakistan at ang consignees ay naasa Cebu City, Bacolod City, at Naga City.

BASAHIN: P9-B halagá ng mga ilegál na droga winasak ng PDEA

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga droga at magsasagawa ito at ang BOC ng imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng mga kasong paglabag sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS: Bureau of Customs, drug smuggling, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, drug smuggling, Philippine Drug Enforcement Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.