P9-B halagá ng mga ilegál na droga winasak ng PDEA

By Jan Escosio June 07, 2024 - 12:53 PM

PHOTO: Facade of PDEA headquarters STORY: P9-B halaga ng mga ilegál na droga winasak ng PDEA
Ang harapan ng headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City (Larawan mula sa Facebook page ng PDEA)

METRO MANILA, Philippines — Higít sa P9 na bilyong ang halagá ng ibat-ibáng uri ng ilegál na droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong nakaraáng Miyerkulés, ika-5 ng Hunyo, sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa PDEA, may kabuuáng 2,435 kg ng mga droga na winasak sa pamamagitan ng thermolysis o thermal decomposition sa isang waste management facility.

Ang bulto ng winasak na droga ay 1,293 kg ng shabu, kasama na ritó ang P1.4 na bilyong halagá na nasamsam sa isang checkpoint operation sa Barangay Pinagkurusan sa Alitagtag, Batangas noong nakaraáng Abril.

May 720 kg din ng marijuana at 359 kg ng ephedrine ang winasak.

BASAHIN: P4.51B halaga ng ibat-ibang droga winasak ng PDEA

BASAHIN: Halos P20-B halaga ng droga sinunog ng PDEA

Naiprisinta na raw ang mga droga biláng ebidensya sa mga korte kayat minabuting wasakin na.

Ang pagwasak ay sinaksihán ng mga kinatawán mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National. Police (PNP), at mga lokál na opisyál.

TAGS: Illegal Drugs, Phlippine Drug Enforcement Agency, Illegal Drugs, Phlippine Drug Enforcement Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.