Wala pa rin pasok sa Senado dahil sa Typhoon Carina

By Jan Escosio July 25, 2024 - 11:00 AM

PHOTO: Class suspension card, Walang Pasok STORY: Wala pa rin pasok sa Senado dahil sa Typhoon Carina
File photo mula sa INQUIRER.NET

METRO MANILA, Philippines — Nanatiling suspindido ngayon araw ng Huwebes ang trabaho sa Senado dahil sa Typhoon Carina.

Minabuti ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kanselahin ang pasok sa Senado para bigyang pagkakataon ang mga kawani na naapektuhan ng pagbaha na dulot ng pag-ulan na dulot ng Carina at ng habagat ang magawa ang mga kinakailangan nilang gawin.

Ito na rin aniya ang pagkakataon para masuri ng husto ang mga kagamitan sa Senado.

BASAHIN: Carina: Walang pasok sa eskuwelahan, gobyerno sa Metro Manila

Aniya, nakatanggap siya ng mga ulat na mga kailangan ayusin ng mga pasilidad sa kanilang gusali.

Sa Lunes, ika-29 ng Hulyo, ang balik pasok sa Senado, ayon kay Escudero.

TAGS: Carina, Francis Escudero, work suspension, Carina, Francis Escudero, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.