Carina: Walang pasok sa eskuwelahan, gobyerno sa Metro Manila
FOR EMERGENCIES: List of government hotlines
METRO MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa mga eskwelahan at mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila nitong Miyerkules sa pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar na dulot ng habagat at ng Typhoon Carina.
Ito ay inanunsiyo ng Office of the Executive Secretary kasunod ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) base sa inilabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Hindi naman sakop ng kanselasyon ang mga ahensiya na naghahatid ng tulong, naglulunsad ng rescue at disaster preparedness units, at iba pang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tuwing may kalamidad.
READ: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina
READ: LIVE UPDATES: Typhoon Carina
Ipinasa na lamang sa mga pribadong kompanya ang pagdedesisyon kung sususpindihin din ang pasok ng kanilang mga kawani.
Samantala, sinuspindi na rin ng Korte Suprema ang pasok sa mga korte sa Metro Manila.
Kinansela na rin ang pasok sa Senado base sa kautusan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.